I wrote this last August 21, 2012.
Naiiyak ako. Sa hindi ko na naman maipaliwanag na dahilan. Heto’t may
kaibigan akong nag sh-share sakin sa mgagandang karanasan nya, at kung paano
sya unti unting nakakabangon. Oo. Masaya ako para sakanya. Pero nalulungkot rin
ako para sakin. Naging honest naman ako sakanya, kako, I am torn between an
envy and happy feeling for her. She’s happy right now, I’m so glad about that.
She really deserves that. But I pity for myself. Why on earth I can’t feel that
bliss she has right now? Oh c’mon! Don’t be so judgemental. Naiingit lang ako.
Period. Naiisip ko na namang ako kaya, kailan ako makakausad sa buhay na ito at
kailan ko kaya mararanasan ang mga naranasan nya? Inggitera na ko shems!
Nag kita kami kanina. Hindi dapat yun
nangyari pero dahil makulit sya at may parte rin ng puso ko na gusto yung
mangyari ay sumige na ako. Nag kita kami. Nag usap, kumain. Wala kaming
ginawang labag sa paniniwala ng lipunan. Ni hindi kami nag hawak ng kamay. May
mga pag kakataong nararamdaman kong gusto nya pang tumabi sa akin ng mas
malapit pero pasimple akong kikilos, uurong at sisige sa kasalukuyang usapan. Para na namang normal ang lahat sa pagitan namin. Ewan
ko ba.
Natanong nya bigla kung namis ko raw ba ang ganung tagpo naming. Kako hindi.
Pero sa isip ko bubulong na naman na, “Oo sobra”. Bigla ko tuloy naalala yung
indie movie na Ligo Na U Lapit Na Me. Dahil yung karakter doon ni Intoy, ako
yun. Yung mapride nyang pag katao. Yung minsan ang dami nya ng gustong sabihin,
marami na syang gustong gawin at itanong pero pigil na pigil sya dahil iniisip
nya muna kung anong magiging resulta noon sa pag katao nya. Ako yun. Ma pride
ako. Aminado ako dyan. At may mga bagay akong gustong sabihin at gawin pero
hindi ko tinutuloy dahil sarili kong reputasyon ang isinasaalang alang ko. Siguro naging ganun ako dahil na rin sa sobrang pag
bibigay ko noon e kagaguhan lang naman ang napala ko. Tangina talaga.
Naalala ko na naman.
Maraming pag kakataong tinitigan nya
ako. Nakatingin lang sya, walang salita. Ako naman e kunway may iniisip na iba,
o kaya mapapatingin sa kung saan na tila hindi alintana ang mga matang nag
mamatyag sa akin. May mga pag kakataon ring may bubuksan syang paksa tungkol sa
nakaraan namin, at ako naman ay pabalang nasasagot. Tatawagin syang “Cheater”,
sasabihing wala syang karapatang lumigaya.
Ligaya.
Masaya.
Natanong nya rin kung masaya ba ako
ngayon. Kung kumusta ako. Sabi ko nalang kalahating taon na syang wala sa buhay
ko, at sanay na akong mag isa. Nang walang inaalala. Na masaya ako sa anu mang
mayroon ako ngayon. Sumagot naman ako. Kako masaya ako, pero nakatingin ako sa
langit, at pasimpleng bumubulong na sana nga ay maging maligaya ako. Pero ang
puso ko humihiyaw sa tuwing sinasabi kong masaya ako. Dahil alam nitong hindi.
Kaya binago ko, kako hindi man ako masaya ngayon, darating ang panahon na
makakamit ko yun. Na lahat ng sakit ay may kapalit na kaligayahan. Naniniwala
ako doon. Pero nangangapa pa rin ako.
Bakit kaya ang buhay minsa’y kay lupit.
Masakit. Nakakainis. Nakakainggit. Bwisit! Sana may sagot ako sa mga bagay na
iyan. Sana meron gamot na pwedeng bilin dyan sa kanto, laklakin para tuluyang
mapawi ang sakit na nararamdaman ko. Tangina. Napapamura kong talaga. Parang
gusto kong uminom. Mag lasing. Wa pake kung babae ako. Gusto ko lang makalimot
sa mga nararamdaman kong sakit. Bakit kaya? Bakit kaya hindi matapos tapos ang
lahat ng ito.
Kung sakaling mababasa man ito ng iba,
matatawa siguro sya. Hahagalpak sa tuwa. At mapapailing, sasabihing makaka move
on din ako at dumaan din sya dyan kaya alam nya ang nararamdaman ko. Iisipin
nya pa sigurong ang gaga ko, para kong sira at napaka madrama kong tao. Sa mga
oras na ito, gusto kong mag hagilap ng alak. Gusto kong uminom. Mag pakalasing. Kahit minsan lang. makalimot sa
lahat. Kahit alam kong kinabukasan naman nun e didilat akong masakit ang ulo at
puso. Na hindi naman solusyon yun, nag sayang ka na ng pera, nag sayang ka pa
ng oras na sana inilaan mo nalang sa pag gawa ng plates mo. Pero kasi ang sakit
e. Dapat kasi hindi ko na sya nakausap at nakita pa. Tanga ko lang
shit!
Gusto ko ng tapusin ito. Wala ng
saysay. Wala ng patuntunguhan. Puro na
kalokohan. Tama na. Kahit kinakatok ako ng will kong gumawa nalang, mag draft
at ituon nalang doon, wala. Kahit naiisip kong tapusin nalang ang model sa
sketchup na matagal na dapat na tapos, e wala parin. Mas nag focus ako sa pag
tipa ng mga letrang mag papaliwanag kung gaano kabigat ng pakiramdam ko. Salamat pala sa teknolohiya, nagagawa ko toh ng mas
mabilis. Haha. So saan na ako ulit ? Aah ! Iniisip ko na palang
itulog nalang ang lahat ng sakit. At kung
papalarin, sana maiiyak ko rin ng mabawasan kahit konti.
No comments:
Post a Comment